Patay ang isang holdaper matapos barilin ng isa sa kanyang mga biktima makaraang maagaw nito ang kanyang baril sa Makati City, kahapon ng umaga.

Sa pamamagitan ng identification (ID) card, nakilala ang napatay na si John Paul Manahan Hernandez, 29, ng No. 1972 Tramo Street, Pasay City, na agad binawian ng buhay sa tinamong tama ng bala sa dibdib matapos barilin ni Mark Lester Demin Paces, nasa hustong gulang, nagtatrabaho sa isang fast food chain.

Sa pagsisiyasat nina SPO2 Nilo Sadsad at Jason David, ng Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB) ng Makati City Police, sa No. 6750 Ayala Avenue nangyari ang insidente, dakong 4:05 ng umaga.

Naglalakad umano ang biktima kasama ang mga katrabaho nang biglang sumulpot ang suspek na sakay sa motorsiklo at nagdeklara ng holdap. (Bella Gamotea)

Relasyon at Hiwalayan

Kim Jones, tinulungan si Jericho Rosales sa major decisions nito