Alden Maine Direk Mike copy

MARAMING nagtatanong na AlDub Nation kung ano ba ang label ng relasyon nina Alden Richards at Maine Mendoza. Ang laging sagot ng dalawa, “Wala pong label ang relasyon namin. Basta masaya kami sa ginagawa namin, kung ano po ang nakikita ninyo, iyon ang napi-feel naming gusto naming gawin, wala pong peke kaming ipinakikita, totoo lang po kami sa sarili namin.”

Si Direk Michael Tuviera ang nagpatotoo kung gaano ka-close ang dalawa, kung paano nabuo ang pagmamahal nila sa isa’t isa. Ito ang kuwento ni Direk Mike sa one-hour special primer na “Imagine You And Me. The Journey” na ipinalabas kahapon sa GMA-7 bago ang Eat Bulaga. Pre-empted nila ang Sarap Diva ni Regine Velasquez-Alcasid.

“Isang umaga, wala si Alden, hindi namin makita, naka-set up na kami,” sabi ni Direk Mike. “Tanungan kami bakit siya basta umalis, nag-almusal na ba siya? Kaya nag-decide kaming si Maine ang tanungin, only to find out na wala rin siya sa kanyang room. Iyon pala nag-walking sila doon sa kabuuan ng aming location, sa Lake Como. Kaya alam na namin kapag nawala sila, naroon, biking or hiking sila sa palibot ng lugar, kasi naman ang lamig, ang ganda ng lugar.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“Hindi rin namin malilimutan noong minsang nagkasakit si Maine. Wala siyang appetite kumain. Pero dumating si Alden, may dala siyang bowl of soup. He feeds Maine. ‘Tapos request lang ni Maine, kuwentuhan siya ni Alden. Ano raw ang ikukuwento niya, lagi silang magkasama, pero sabi ni Maine, kahit ano basta kuwentuhan lamang siya. Hindi siya iniwanan ni Alden, maghapon niyang binantayan si Maine. Nang makatulog na si Maine, nilinis niya ang kuwarto nito.

At hinintay niyang magising si Maine.”

May nabuo bang relasyon kina Alden at Maine?

“Hindi lamang relasyon, kasi lagi ko ngang sinasabi, ang taong puwede lamang makapagpa-relax sa kanya, si Alden,” kuwento naman ni Direk Mike sa presscon ng movie. “Kaya malaki talaga ang naitulong sa kanya ni Alden, since nauna naman sa kanya si Alden sa showbiz. Mas lalong lumalim ang kanilang relasyon pagkatapos nilang gawin ang movie.

“At hindi maitatago ang chemistry nilang dalawa. Sino nga ba ang mag-aakalang ang isang simpleng babae na tulad ni Maine ay hahangaan ng sambayanan, hanggang sa ibang lugar ng mundo at ang guwapong si Alden ay mangungusap ang chemistry na napansin agad sa kalyeserye sa Eat Bulaga at ngayon sa kanilang pelikula. Hindi nasayang ang aming paghihirap sa trabaho sa Italy.”

Sa Wednesday, July 13 na ang opening in cinemas nationwide. Pero sa Tuesday, July 12, ang kanilang premiere night sa SM Megamall.

Bukas naman, July 10, big promotions ng Imagine You & Me sa Sunday Pinasaya na special guest ni Alden si Maine, 12:00 noon sa GMA-7. (NORA CALDERON)