kiray-enchong-001 copy

KIRAY CELIS strikes again!

Abot-tenga ang ngiti ni Mother Lily Monteverde dahil kasalukuyang humahataw sa takilya ang I Love You To Death nina Kiray at Enchong Dee at nagpadagdag pa ng sinehan ang ilang malls at ganoon din sa mga probinsiya kasi nga 50 theaters lang ang ibinigay sa pelikula sa sobrang dami ng foreign films at extended naman ang ibang pelikula.

Walang binanggit kung magkano kinita sa first day ang I Love You To Death, basta ang sabi masayang-masaya ang Regal matriarch.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Ikaw na talaga, Kiray ang nag-iisang Comedy Princess at may pangatlong pelikula ka na kaagad with the Pasion de Amor boys.

Ang kaso, “Hindi maumpisahan kasi busy lahat ang Pasion boys, like si Joseph (Marco), busy sa movie nila ni Alex Gonzaga, si Jake (Cuenca), may ginagawa rin, same with Ejay (Falcon). Kaya waiting si Kiray sa kanila.”

Busy rin naman si Kiray sa kaliwa’t kanang out-of-town shows kaya hindi sayang ang oras niya sa paghihintay sa leading men niya.

Congrats, Kiray at Enchong! (REGGEE BONOAN)