Joj, Ronnie at Jai copy

Gaganap ang magkapatid na sina Joj at Jai Agpangan bilang kambal na parehong magmamahal sa iisang lalaki sa MMK ngayong Sabado (July 9).

Si June (Jai Agpangan) at Jess (Joj Agpangan) ay ang perpektong halimbawa ng isang kambal sapagkat hindi lang sila magkamukha, magka-ugali din sila. Mula sa parehong gupit, parehong panlasa sa pananamit, hanggang sa paghahati sa mga personal na bagay, hindi talaga mapagbukod ang dalawa.

Malakas ang samahan ng magkapatid ngunit hindi nila akalain na susubukin pala ito pag-apak nila sa kolehiyo.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Makikilala ni Jess si Luis (Ronnie Alonte) at mai-in-love ito sa kaniya. Nag-aalangan si June kay Luis sa simula kung kaya’t mahigpit niyang binantayan ito pero naging malapit din sila sa isa’t-isa nung tumagal.

Sa hindi inaasahang pangyayari, aaminin ni Luis kay June na siya pala ang tunay nitong mahal at may plano pang iwanan ang kakambal niyang si Jess para sila ay magkasama.

Bibigay kaya si June sa kaniyang nararamdaman para kay Luis? Matatanggap kaya ni Jess na siya ay iiwan ni Luis para sa sarili niyang kapatid?

Kasama sa upcoming episode ng MMK sina Anna Capri, Smokey Manaloto, Micah Munoz, Matet de Leon, at CJ Navato. Ang episode ay sa ilalim ng direksyon ni Raz De La Torre at panulat ni Benson Logronio. Ang MMK ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos.

Samahan ang MMK sa paggawa ng mas maganda pang mga alaala sa ika-25 anibersaryo nito at bisitahin ang mmk.abs-cbn.com. Huwag din itong palampasin tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN ABS-CBN o ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Panoorin nang libre ang latest episodes nito sa iwantv.com.ph o skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.