Handa rin akong ibunyag ang mga pangalan ng mga tiwaling opisyal ng National Bureau of Investigation (NBI), gaya ng ginawa ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang inihayag ni NBI Director Atty. Dante Gierran, ngunit sinabing iimbestigahan muna niya ang mga ito bago sampahan ng kaso.

Ayon kay Gierran, nasa pangangalaga na ng Internal Affairs Division ang listahan ng mga tiwaling opisyal na nangingikil, nananamantala at nakikipagrelasyon sa asawa ng mga nakakulong.

“Nung first day ko pa lang sa flag ceremony, may nag-report na sa akin, kaya I confirmed it at talagang nangyari.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Kaya medyo nagalit ako, dahil ‘ka ko, ano ba ito, tine-testing ba nila ako talagang magalit?” sabi ni Gierran.

Una nang nagalit at nanermon si Gierran dahil sa nalaman niyang katiwalian sa loob ng kawanihan. (Beth Camia)