CHAIRMAN TOTO LANG_please crop copy

SA pag-upo ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang ika-16 na presidente ng Pilipinas ay pinalitan na niya ang halos lahat ng mga nailuklok sa puwesto ni dating Pangulong Noynoy Aquino sa iba’t ibang ahensiya, pero hanggang ngayon ay wala pang humahalili kay MTRCB Chairman Atty. Toto Villareal. 

Ayon sa isang tauhan ng MTRCB na nakausap namin, maaaring nakarating na raw kay Pres. Duterte na malakas ang clamor na panatilihin sa kanyang posisyon ang kasalukuyang MTRCB chief. Kahit may mga nagkakainteres sa nasabing posisyon, mas marami ang nagsasabing napakaayos ng performance ni Atty. Toto Villareal. 

Matandaang si Atty. Toto ang in-appoint ni dating Pangulong Aquino nang magdesisyon si Sen. Grace Poe na tumakbo for senador. 

Human-Interest

LABUBudol? Mga artistang nahumaling sa 'Labubu craze!'

“Sa ilang taon na paninilbihan si Atty. Toto ay alam nating malaki ang nagawa niya at talagang pinahanga niya hindi lamang kaming nasa opisina ng MTRCB kundi maging ang mga nasa industriya ng pelikulang Pilipino, musika at telebisyon,” sey MTRCB staff na kausap namin. 

Sa pamumuno ni MTRCB Chief Villareal nauso ang sensitivity seminars and meetings na isa kami sa mapalad na nakadalo sa panawagan ng nasabing ahensiya.

“Si Atty. Toto, eh, walang pakialam ‘yan kung may isang malaking network o isang show na talagang pinapanood ng mga tao o kahit na isang maimpluwensiyang tao sa showbiz ang nasasagasaan niya. Basta as long as may reklamo sa kanila, eh, aaksiyunan niya agad ‘yun,” sabi pa ng kausap namin. 

Sa obserbasyon naman ng aming mga kasamahan sa panulat, sinsero si Atty. Toto sa pagpapatupad ng mga patakaran ng ahensiya at kapuna-puna rin anila na may malasakit at pagmamahal ang MTRCB chairman sa mga taga-industriya lalung-lalo na sa press people.

Kaya ganoon na lang ang dasal at pakiusap ng maraming entertainment industry people na sana ay hindi na galawin ni Pres. Duterte ang mga namumuno ng MTRCB.

But, of course, desisyon pa rin siyenpre ng pangulo ang masusunod. (Jimi Escala)