Gelli copy copy

BALIK-KAPAMILYA na si Gelli de Belen. Kasama siya sa malapit na ring mapapanood na seryeng Never Ever Say Goodbye with Jericho Rosales, Arci Muñoz at iba pa.

Ayon kay Gelli, na-miss niya nang husto ang pagtatrabaho sa ABS-CBN. ‘Sang Linggo nAPO Sila’ pa ang last TV show niya sa Kapamilya Network.

“Parang going back home lang. Now, I will be seeing new and old faces. It is fun to see everybody again,” sey ni Gelli.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Ngayon nasa Dos na uli ang aktres, malaki ang posibilidad na makatrabaho niya si Ariel Rivera na kasama ngayon sa primetime show na Born For You.

Masaya si Gelli sa magagandang projects na ginagawa ng actor sa Kapamilya Network.

“Maganda ‘yung role niya sa Born For You. It’s a different take kasi medyo may pagka-musical. Maraming mga musical elements doon sa soap nila and it is something na I’m sure people will want to see, kasi si Ariel hindi na masyadong nakikitang kumakanta,” banggit pa ni Gelli na umaming isa rin siya sa napakaraming viewers ng Born For You na pinagbibidahan nina Janella Salvador at Elmo Magalona.

Looking forward siya na magkasama sila ng kanyang asawa sa isang soap.

“Well, we’re both happy kasi same station na kami kahit na magkahiwalay kami ng ginagawang project, eh, nasa iisang istasyon na kami ngayon,” sey pa rin ni Gelli. (JIMI ESCALA)