Kasabay ng pagbaba sa puwesto ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III nitong Huwebes, nag-trending sa social media ang hashtag na #ThankYouPNoy bilang pagpapahayag ng taos-pusong pasasalamat ng mga Pilipino sa anim na taon nitong paninilbihan.

Umani ng iba’t ibang reaksiyon sa Internet ang paglisan ni PNoy sa Palasyo upang magbigay-daan sa ika-16 na Presidente ng bansa na si Rodrigo Roa Duterte.

Ayon sa Twitter user na si @mmcnxx, “From the Sick Man of Asia to Asia's Rising Tiger, I just hope people would learn to appreciate what u've done for the country. #ThankYouPNoy”

Nag-post din sa Facebook ang mga Pilipino tungkol sa pagtatapos ng termino ng administrasyong Aquino. Sinabi ni Ma Yin Santiago: “For all your hardwork, sincerity and decency as President of the Philippines. We take pride for the international acknowledgment and economic growth you've worked for.”

Eleksyon

Mayor Honey Lacuna, inisyuhan din ng show-cause order dahil sa umano’y vote-buying, ASR

Matatandaang nakilala ang dating Pangulo sa kanyang mga pagsisikap upang mapasigla ang ekonomiya ng Pilipinas na kinilala bilang “fastest-growing economy in Asia” at “top-performing, best economy in Southeast Asia”, ayon sa pagsusuri ng Oxford Business Group.

Bagamat umani rin ng maraming batikos ang nakaraang administrasyon dahil sa maraming isyu, nagpahatid pa rin ang dating Pangulo sa kanyang official Twitter account ng pasasalamat sa taumbayan.

“Hanggang sa huli: Isang karangalan para sa isang Noynoy Aquino ang maglingkod sa isang dakilang lahi, sa aking mga Boss,” tweet ni PNoy nitong Huwebes.