ANGEL copy

FOLLOW-UP ito sa sinulat namin kahapon tungkol sa tsikang babalik si Angel Locsin sa GMA-7.

Sinabi namin sa mga nagtanong na imposible dahil may network contract si Angel sa ABS-CBN pero pinangatwiranan naman kami ng aming kausap ng, “Kailan siya nag-renew, eh, hindi naman ipinakita sa ABS, unlike sa ibang artists na nag-renew, may mga TV coverage.”

Hindi nga naman nabalitaan man lang kung nag-renew na si Angel sa Dos, at nang itext namin siya para humingi ng side niya ay hindi naman kaagad siya nakasagot dahil kasalukuyan pala siyang nagpapa-therapy.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“Hi ate, yup-yup, 2 years ‘yung pinirmahan ko,” reply finally ng aktres sa amin.

Kailan siya pumirma, at ano ang gagawin niyang TV series?

“Late last year po, hindi pa po ako puwedeng magserye kasi po nagpapagaling pa po ako,” sagot ulit ni ‘Gel.

May binanggit siyang gagawing pelikula na hindi pa puwedeng idetalye at kung sino ang makakasama niya dahil wala pang titulo at direktor, pero siguradong under Star Cinema dahil hindi naman yata siya puwedeng gumawa sa ibang movie outfit.

Samantala, walang maikomento si Angel sa panayam ng TV Patrol sa kanya tungkol sa namumuong relasyon nina Luis Manzano at Jessy Mendiola dahil ang katwiran niya, “Kung sila nga hindi nagre-react, ano’ng ire-react ko?”

Hindi naman itinanggi ni Angel na apektado pa rin siya sa mga naririnig niya tungkol sa ex-boyfriend at aminadong unti-unti na siyang nagmo-move, “getting there,” aniya.

Nang tanungin kung in good terms pa sila ni Luis, “Ngayon, honestly hindi ko alam, ako naman kasi, I always want him to be happy, so kung happy siya, magiging happy na rin ako para sa kanya.”

Sa huli, nabanggit ng aktres na hindi niya kayang magtago ng nararamdaman pero hindi na lang daw niya ito dapat pang i-broadcast pa.

As of now, wala siyang manliligaw. Pero hindi isinasara ng aktres ang kanyang puso dahil gusto raw niyang ‘may love’.