ATLANTA (AP) – Balikbayan ang two-time slam dunk champion na si Dwight Howard.

Hindi na naghintay ng ibang kausap si Howard at kaagad na tinanggap ang alok ng Atlanta – ang kanyang hometown – nitong Biyernes (Sabado sa Manila) na tatlong taong kontrata na nagkakahalaga ng $70.5 million.

Kaagad ding binigyan ng contract extention ng Hawks si forward Kent Bazemore sa pagbubukas ng negosasyon sa free agency.

Tatanggap si Bazemore ng $70 million sa loob ng apat na taon, ayon sa opisyal na may direktang kinalaman sa usapin sa panayam ng Associated Press.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Hanggang Hulyo 7 ang deadline para sa pagpirma ng kontrata ng mga free agent player.

Naglaro si Howard sa Southwest Atlanta Christian Academy bago kinuha ng Orlando Magic bilang No.1 overall rookie noong 2004.

Sa Memphis, nanatili si Mike Conley sa Grizzlies at makakasama niya si Chandler Parsons.

Tinanggap ni Conley ang alok na five-year maximum contract na $153 milyon, habang selyado kay Parsons ang $94 million sa loob ng apat na taon.

Sa Detroit, hindi pinakawalan ng Pistons si big man Andre Drummond sa five-year maximum contract $130 million.

Isang restricted free agent ang 6-foot-11 na si Drummond, ngunit walang koponan ang nagtangkang mag-alok sa All-Star forward na may average na 16.2 puntos at nangunguna sa NBA sa rebound na may 14.8 rebound kada laro.

Samantala, mananatili si Hassan Whiteside sa Miami matapos tanggapin ang alok na $98 million sa loob ng tatlong taon.