RYAN BANG copy

BUKOD sa tila may dalang suwerte, well loved si Ryan Bang ng sinumang nakakatrabaho o nakakakilala niya dahil sa likas na kabaitan.

Kaya huwag nang pagtakhan kung bakit bukod sa gag show na Banana Sundae, regular din siyang napapanood sa It’s Showtime. May endorsements na rin siya at may bagong song, ang Like Love Follow at ang second music video nito na pinagkakaguluhan na naman sa YouTube dahil patok na uli ang pagiging kuwela.

Nauna nang nag-click maging sa Korea ang first music video niyang shopping kaya nakahikayat ng maraming turistang Korean para magtungo at mag-shopping sa Pilipinas.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Sa music video ng Like Love Follow, nakigulo kay Ryan Bang sina Jessy Mendiola, Vice Ganda, Anne Curtis, Kuya Jobert, Kim Atienza, at Vhong Navarro. At nakakapagtakang nakipaglokohan maging sina Gretchen Fullido, Bernadette Sembrano, at si Noli de Castro! Pero katunayan lang ito ng pagiging well loved niya.

Pero, hindi pa rin kuntento ang pusong Pinoy na Korean-born star dahil gusto rin niyang makagawa ng indie film.

Of course, ‘pag sinabing indie film, walang arte-arte dapat at everything goes, gaya ng may nudity, may violence, etc. Kaya ba niyang maghubad sakaling kailangan ito sa kanyang role?

“Siguro papaalam muna ako sa Star Magic and sa Showtime at Banana Sundae. Kung papayag sila, pasok ko naman sa trabaho,” nakangiting sagot ni Ryan.

“Kung bagay naman talaga sa akin or comedy, gagawin ko naman for comedy pero ‘yung serious talaga na kailangan maghubad, siguro hindi nila papagawa sa akin ‘yun.”

Magi-isep-isep daw muna siya sa susunod niyang bold step sa kanyang career.

“Kasi I’m working to make people happy, eh, pero ‘yung mga ganong bagay hindi ko gagawin ‘yun,” aniya. “Kaya ginawa ko ang Like Love Follow to make people happy.”

Baka nga raw makasira ito sa gusto niyang imahe, ang maging hearthrob?

“Napapanaginipan ko minsan na gano’n. Pero dapat ang trabaho natin kung ano talaga ang gusto mo, kung saan masaya ka. Ako masaya ako na masaya sila sa akin,” pahayag ng laging masayahing si Ryan. (ADOR SALUTA)