Alden at Maine sa 'Bubble Gang' copy

LAGARE king and queen daw ngayon sina Alden Richards at Maine Mendoza dahil sunud-sunod ang TV guestings nila sa mga show ng GMA Network. 

Biruan ng kanilang fans sa Twitter, “guestings pa more” dahil bukod sa pagri-report nila araw-araw sa Eat Bulaga -- si Alden sa studio para sa kanyang segment ng “Trumpet Dance Challenge,” kasama rin sa “Hakot Pa More” segment then sa kalyeserye na siya naman ang may hawak ng “Lola’s Playlist” segment ng mga batang contestants na kumakanta ng old songs at si Maine naman ay maaga nang nasa barangay para sa kanilang sugod-bahay sa “Juan For All” segment kasama sina Jose Manalo at Wally Bayola. 

Doon na rin nila ginagawa ang kalyeserye bilang sina Lola Nidora si Wally at si Lola Tinidora si Jose.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

May mga nakikiusap na fans ng EB na sa studio na raw lamang din si Maine pero mas gusto ng ka-love team ni Alden sa barangay, kahit siya nasasaktan kung minsan, dahil marami raw siyang natututuhan sa buhay mula sa mga ikinukuwento ng napipili nilang contestants.

At ngayon ngang promo period para sa first solo movie nila na Imagine You & Me, sunud-sunod ang TV guestings nila. 

Nauna nang nag-taping na magkasama sina Alden at Maine sa Bubble Gang noong Monday, June 27. As per Instagram post, “nabulabog ang cast ng Bubble Gang nang dumating sina Alden at Maine, hindi kasi nila alam na guest ang phenomenal love team. After ng take with Michael V as Tata Lino, nakipag-pose na ang dalawa sa lahat ng naroon.”

Naisisingit na rin nila ang photo shoots for magazine covers at TVCs.

Balitang nagti-taping sila ng Eat Bulaga in preparation sa big promo nila ng movie ni Direk Mike Tuviera for GMA Films at APT Entertainment, Inc. na may premiere night sa July 12 at nationwide showing in cinemas simula sa July 13. 

Ngayon pa lamang ay marami nang excited mapanood ang pelikula at nakakatawa nga ang Twitter post ni @Mai NE Faulkerson na: @Direk Mike bakit ganun, full trailer na pero di ko pa din ma-imagine ang takbo ng story! Kaya lalo na kaabang-abang!”

Sagot ni Direk Mike: “Thank you! Yun po talaga ang objective namin. Para marami pang surprises sa mismong pelikula.”

Just wondering kung sa grand presscon ng movie mamaya ay ikukuwento na ni Direk Mike ang story nina Andrew (Alden) at Gara (Maine). (NORA CALDERON)