TALAVERA, Nueva Ecija - Nabahiran ng dugo ang mainitang pagtatalo ng isang magkapatid makaraang pagsasaksakin ng isang magsasaka ang kanyang kuya nang hindi siya mabayaran sa apat na araw niyang pinagtrabahuhan sa bukid sa Purok 5, Barangay Mimabuyok sa bayang ito, noong Lunes.

Kinilala ni Supt. Leandro Novilla, OIC ng Talavera Police, ang nasawi na si Valentino Manuel y Santos, 31, may asawa, magsasaka, residente sa nasabing lugar na nagtamo ng maraming saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Namatay si Manuel habang ginagamot sa Dr. Paulino J. Garcia Memorial Research & Medical Center (PJGMRMC) Extension.

Sa imbestigasyon ni PO2 Marvin Verde, dakong 8:37 ng gabi nitong Lunes nang singilin ni Vivencio Manuel y Santos, 29, ang kapatid sa upa sa ipinagtrabaho niya sa bukid na pag-aari ni Ruben Fuentes.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Nagtalo ang magkapatid na nauwi sa pananaksak ni Vivencio kay Valentino.

Agad namang naaresto si Vivencio at nakumpiska mula sa kanya ang balisong na ginamit sa krimen. (Light A. Nolasco)