Dawn copy copy

WALANG katotohanan ang lumabas na isyung tatalikuran muna ni Ms. Dawn Zulueta ang showbiz. 

Ito ang ibinalita sa amin ng isa sa mga namamahala ng showbiz career ng aktres. 

May lumabas kasing item na pansamantala na raw munang titigil sa showbiz si Dawn dahil sa death treat na natatanggap ng pamilya nila at ng muntik nang pagkaka-kidnap sa anak nila ni Cong. Anton Lagdameo. 

Human-Interest

LABUBudol? Mga artistang nahumaling sa 'Labubu craze!'

“We don’t know kung saan galing ang balitang tatalikuran muna ni Dawn ang showbiz. Sa totoo lang, eh, ngayon lang namin narinig ‘yan,” sey ng kausap namin. 

Dagdag pa ng source, wala raw silang alam kung bakit may lumabas ng ganu’ng isyu. 

“Sorry, that did not came from us, so we don’t know kung saan nila nakuha ang ganu’ng balita. Maybe they assumed it na lang,” lahad pa ng source. 

Nalaman namin na may mga proyektong iniaalok kay Dawn na pinag-aaralan pa nila at malamang na gawin ni Dawn sa mga susunod na buwan ang magugustuhan nila.

“We are in the process of discussing pa naman kung ano ang mga sunod niyang gagawin. P’wedeng teleserye ulit or movie,” sey pa ng kausap namin. 

Samantala, masayang-masaya raw si Ms. Dawn ngayong halos araw-araw ay ka-bonding niya ang mga anak at asawa niya. 

“Spending time with her family ang drama ngayon ni Dawn,” banggit pa ng source. (Jimi Escala)