Richard, Jodi & Ian

Richard, Jodi & Ian

MULING makakasama ni Jodi Sta. Maria si Ian Veneracion at si Richard Yap, na pareho na niyang nakatambal sa magkaiba at matagumpay na mga serye, sa romantic-comedy na The Achy Breaky Hearts ng Star Cinema na ngayong araw ang opening day sa mga sinehan.

Maaalala ang matagumpay na pagganap ni Jodi bilang si Maya, na yaya, sa Be Carerful With My Heart, kapareha si Richard na gumanap naman bilang boss niya.

Dahil sa hindi inaasahang pagtanggap ng mga tao sa tambalan nilang dalawa at sa takbo ng istorya, napasama ang serye sa hanay ng highest rating primetime series ng ABS-CBN na umere ng mahigit dalawang taon.

Human-Interest

LABUBudol? Mga artistang nahumaling sa 'Labubu craze!'

Dahil sa ipinamalas na galing at talento, agad binigyan ng kasunod na proyekto si Jodi na una naman nilang pagsasama ni Ian sa top-rating remake ng Pangako Sa’ Yo.

Ginampanan ng dalawa ang iconic na papel nina Armor Powers at Eduardo Buenavista, na masugid na sinubaybayan at kinawilihan ng masa dahil na rin sa nakakakilig na nilang tambalan.

Nakilala si Jodi at itinuring ng mga tagahanga at kritiko bilang accomplished actress dahil sa pagganap sa mga pinaka-di-malilimutang karakter sa pelikula at telebisyon sa halos dalawang dekadang karera.

Nakatulong siya sa ‘di matatawarang pagtangkilik ng publiko sa kanyang mga nakapareha kagaya nina Ian at Richard, ngunit hindi maikukubli ang mas malakas na chemistry na namuo sa kina Jodi at Ian.

Ang malakas na chemistry na nakita sa kanila ang nagbigay-daan sa una nilang pelikula – ang romantic-comedy na All You Need is Pag-ibig na isa sa mga kasali sa Metro Mania Film Festival noong nakaraang taon.

Ang mahuhusay nilang pagganap sa marami na nilang ginampanang mga papel at ang kanilang malakas na chemistry ang lalong nagpaangat sa kanilang pangalan kaya kinikilala sila ngayon bilang most well-loved leading lady at well-deserved A-list leading man.

Sa The Achy Breaky Hearts, isang modernong love story, gaganap si Jodi bilang si Chinggay na pitong taon nang walang lovelife. Biglang magbabago ang kanyang buhay sa pagdating ng dalawang lalaki, ang present na si Ryan (Ian) at ang past na si Frank (Yap).

Sino nga ba ang pipiliin ni Chinggay, ang lalaking minsan nang nanloko sa kanya na gustong makipagbalikan o ang lalaking bigla na lang nagkagusto sa kanya?

Ang The Achy Breaky Hearts ay mula sa direksiyon ni Antoinette Jadaone. (CLARISE CABRERA)