EDDIE VILLAMAYOR LANG_please crop copy

NAIBALITA nitong nakaraang buwan ang tungkol sa matagal nang pagkakaratay sa ospital ng nakababatang kapatid ni Nora Aunor na si Eddie ‘Buboy’ Villamayor. 

Dinala sa ospital si Buboy nang ma-stroke siya noong July 2015 o halos isang taon na ang nakakaraan. Humiling ang ilang nagmamalasakit sa dating aktor na siya ay madalaw ng mga kaanak sa ospital para sa suportang moral (at financial).

Sa mga kasunod na balita, wala man lamang naiulat kung sinu-sino ang nagsidalaw kay Buboy. Hanggang sa nakakabigla ang huling lumabas na balitang binawian na ng buhay si Eddie Boy, bandang alas kuwatro ng madaling araw, nitong June 27, sa edad na 56.

Human-Interest

LABUBudol? Mga artistang nahumaling sa 'Labubu craze!'

Matatandaan na nito lamang Mayo ay naghayag ng saloobin si Nora tungkol sa hindi diumano pagdalaw ng kanyang mga anak sa kanilang Tito Buboy. Ang mga anak na tinutukoy ni Nora ay sina Lotlot de Leon, Matet de Leon, Kiko, Kenneth at Ian de Leon.

Masama pa nga ang loob ni Nora kay Ian, na mabuti pa raw ang ibang tao, natutulungan nito kaysa sa kanilang Uncle Buboy na matagal nang nakaratay sa ospital. Bunsod ito ng pagkakasagip ni Ian sa isang batang na-hit-and-run ng motor, at nagkataong nadaanan ni Ian kaya’t nadala niya ito sa pagamutan. 

May ilang write ups na lumabas na iyon naman pala ay nadadalaw na ng magkakapatid ang kanilang tiyuhin.

Nakaburol ang mga labi ni Eddie sa Loyola Columbary, sa Commonwealth, Quezon City, simula nitong Martes ng gabi.

Nagpaabot na ng kanilang pakikiramay ang ilang mga kasamahan niya noon sa industriya, kabilang na ang ‘70s matinee idol na si Arnold Gamboa at ilang miyembro ng Apat Na Sikat na dating kagrupo ni Eddie Boy. (ADOR V. SALUTA)