HINDI nag-aaksaya ng panahon sina Taylor Swift at Tom Hiddleston na makilala ang isa’t isa.

Ipinakilala na ng 35 taong gulang na Night Manager star ang 26 na taong gulang na singer sa kanyang inang si Diana nitong Biyernes, nang bisitahin nila ito sa kanyang hometown, ang Suffolk sa east coast ng England.

Naganap ang pagpapakilala isang araw pagkaraang ipakilala rin ni Swift si Hiddleston sa kanyang magulang na sina Scott at Andrea sa Nashville, Tennessee apartment.

Sa mga larawan sa social media, makikitang masaya ang tatlo habang magkahawak-kamay na naglalakad ang dalawa sa kalye malapit sa bahay ni Diana. Nakangiti silang tatlo habang tirik ang araw, nakasuot si Swift ng chic black jumpsuit at itim na flats, at nakamaong at asul na shirt naman si Hiddleston.

Tsika at Intriga

Sey mo Julie Anne? Vice Ganda, nag-joke tungkol sa 'Anong kinakanta sa simbahan?'

Hindi nagtagal, namataan ang tatlo na namamasyal sa dalampasigan, kung saan mahigpit na magkahawak sina Tom at Swift.  

Nitong nakaraang linggo, namataan ang bagong magkasintahan sa Nashville, nakita rin silang sumayaw at naglambingan sa concert ni Selena Gomez — at dikit na dikit sa isa’t isa nang kantahin na ni Gomez ang hit nitong Hands to Myself.

Noong Miyerkules naman ng gabi, sabay na naghapunan ang dalawa sa Ruth’s Chris Steakhouse. (People.com)