GERALD AT BEA copy

HINDI maipaliwanag ni Gerald Anderson ang nararamdaman ngayong sa wakas ay katambal na niya si Bea Alonzo, ang itinuturing na movie queen ng kasalukuyang henerasyon.

Tinatapos nila sa Star Cinema ang pelikulang Because You Love Me.

Hindi maitanggi ni Gerald na kinakaya niyang mawala ang naramdamang kaba sa pagsasama nilang ito ni Bea. Basta iniisip na lang daw niya na ang importante ay nabigyan na ng pagkakataon na pagsamahin sila sa pelikula.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“I’m honored and blessed dahil sa katrabaho ko ngayon ang isa sa maituturing nating pinakamagaling na aktres sa kanyang henerasyon. Siyempre, sino ba naman ang hindi humanga sa sobrang ganda at galing ng isang Bea Alonzo?”sey ni Gerald.

Dagdag pa ni Gerald, may mga pagkakataon na nabablangko siya sa eksena nila. Kaya kakaiba raw ang ginagamit niyang estilo sa pag-arte.

“Siyempre, kailangang maging professional ang pag-atake ko sa role ko dito sa movie namin. Kumbaga, napaka-soft ng takbo ng shooting namin para sa pelikula naming ito,” sey ng binata.

Hindi makasagot sa amin nang diretso si Gerald nang tanungin namin kung nagbalik ba ang dating nararamdaman niya sa premyadong aktres.

“Secret…” pabiting tugon ng guwapong actor, na ano pa nga ba ang kahulugan dahil madali naming sabihin kung oo o hindi.

Nagkaroon ng nakaraan sina Gerald at Bea, pero hindi iyon nagtagal.

Kuwento pa ng aktor, halos lahat ng nakakausap niyang fans at supporters niya ay masaya sa pagiging “single” niya ngayon. Binanggit din niya na nasa kanilang dalawa ni Bea nakasalalay ang anumang kahihinatnan ng pelikula nila.

“Well, sana walang maging nega sa pagsasama naming dalawa ni Bea. Basta ang masaya lang, eh, bukod kay Bea ay nakakatrabaho ko ngayon si Direk Dan Villegas na alam naman nating galing sa sunud-sunod na blockbuster movies.”

Si Direk Dan ang director ng hit movies na That Thing Called Tadhana, English Only Please, Walang Forever, The Break-up Playlist, at Always Be My Maybe na pinagtambalan naman nina Gerald at Arci Muñoz. (JIMI ESCALA)