KATHRYN AT DANIEL copy

NAKAKATUWA ang fans nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, sumusunod sila sa pakiusap ng Star Cinema na huwag maglalabas ng behind the scene photos sa shooting ng dalawa sa Spain.

Nakiusap sa kanila ang production para walang spoiler at hindi ma-preempt ang showing ng pelikula.

Ang KathNiel fans na mismo ang nagpo-police sa kanilang grupo at kapag may nakitang post na kuha sa shooting nina Daniel at Kathryn, sila na ang nagpapaalala sa kapwa fans na bawal ang ginawa nito. Isusunod nila ang pakiusap sa nag-post na i-delete ang picture at mag-cooperate sa ibang KathNiel fans at sa Star Cinema.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Kaya hayun, sa picture na kuha sa pamamasyal ng dalawa na lang muna nagkasya ang KathNiel fans. Mas maganda pa nga ang mga litrato nila na hindi sa shooting dahil wagas ang ka-sweet-an at laging magka-holding hands. (Nitz Miralles)