HENDERSONVILLE, North Carolina — Kinumpirma ng Top Gun actress na si Kelly McGillis, sa pamamagitan ng Facebook, na nilooban ng hindi kilalang babae ang kanyang bahay sa North Carolina. Ayon kay McGillis, umuwi siya sa kanyang tahanan noong Hunyo 17, at habang papasok siya para buksan ang ilaw, natuklasan niyang bukas ang pintuan. Aniya, naengkuwentro niya ang isang babae na sumugod at nanakit sa kanya nang tumakbo siya para tumawag sa 911.

Iniulat ng WTVD-TV ang pagkakaaresto kay Laurence Dorn, 38. Kinasuhan ito ng stalking, assault, at batterys, at iba pa.

Ayon pa kay McGillis, nagtamo siya ng sugat at pasa ngunit bukod sa mga ito ay maayos naman ang lahat. Aniya, mayroon siyang concealed-carry gun permit upang protektahan ang sarili. Si McGillis ay gumaganap bilang flight instructor at love interest ni Tom Cruise sa Top Gun. (Associated Press)
Human-Interest

LABUBudol? Mga artistang nahumaling sa 'Labubu craze!'