Pinayagan ng Sandiganbayan si dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na makapaghain ng mosyong demurrer of evidence sa pagnanais na maibasura ang kinakaharap na kasong graft sa pagkakadawit sa $329-million National Broadband Network (NBN) deal sa Chinese telecommunications giant na ZTE.

Sa ruling ng 4th Division ng anti-graft court, binibigyan ng hukuman si Arroyo ng non-extendible period na 10 na araw upang maisampa ang nasabing mosyon upang tutulan ang mga ebidensiyang iniharap ng prosekusyon at ipabasura ang kaso.

Iniutos naman ng hukuman sa prosecution panel na maghain ng komento sa loob ng 10 araw.

Kaugnay nito, kinansela naman ng korte ang mga pagdinig sa Hulyo 20-21, kung kailan ihaharap sana ng depensa ang mga ebidensiya nila sa kaso.

Metro

Humigit-kumulang 500k deboto, dumalo sa prusisyon ng Poong Nazareno ngayong Biyernes Santo

“A demurrer is a legal remedy that seeks to dismiss the grounds set by the prosecution against an accused,” sinabi ng abogado ni Arroyo.

Ang nabanggit na resolusyon ay ipinonente ni Chairperson Associate Justice Jose Hernandez at pirmado nina Associate Justices Alex Quiroz at Geraldine Econg.

Matatatandang kinasuhan ng graft si Arroyo matapos niya umanong aprubahan ang naturang transaksiyon sa kabila ng irregularidad nito at pagkalugi sa panig ng gobyerno. (Rommel P. Tabbad)