Kylie copy

TINIYAK ni Kylie Jenner na magiging handa ang mga tagapagtangkilik ng kanyang Lip Kit sa darating na ikaapat ng Hulyo.

Inihayag ng reality star at entrepreneur sa kanyang Snapchat account nitong Lunes na maglalabas siya ng dalawang bagong kulay ng Lip Kit. Ang dalawang kulay na ito ay tatawaging Skylie, light blue shade, habang ang isa naman ay Freedom, dark navy hue.

“My two new children, Freedom and Skylie!” pahayag ni Jenner, 18, sa video. “Coming this Friday!” paglalarawan niya para sa kanyang Skylie selfie at sinabing, “Freedom also launching this Friday,” sa isa pa niyang selfie.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Kung ang Freedom Lip Kit ay akma para sa tema ng Independence Day, ang Skylie naman ay inspirado sa bagong pinturang baby blue Ferrari ni Jenner, ang sasakyang iniregalo sa kanya ng dating nobyo na si Tyga. (People.com)