ibaka copy copy

OKLAHOMA CITY (AP) — Bilang bahagi ng pagbabagong-bihis ng Oklahoma City, ipinamigay ng Thunder si forward Serge Ibaka sa Orlando Magic kapalit nina small forward Victor Oladipo, Ersan Ilyasova, at rookie Domantas Sabonis.

Ipinahayag ng Magic ang kaganapan nitong Huwebes (Biyernes sa Manila), ilang minuto matapos ang isinagawang NBA Rookie Drafting.

Isa si Ibaka sa matikas na defender sa liga, ngunit bumaba ang kanyang opensa sa nakalipas na dalawang season.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Naitala niya ang average career high 15.1 puntos at 8.8 rebound sa 2013-14 season. Sa nakalipas na season kung saan natalo ang Thunder sa Golden State Warriors sa conference finals, nirehistro lamang niya ang 12.6 na puntos at 6.8 rebound.

Ang desisyon ng Thunder ay ipinapalagay ding paghahanda sa anumang magiging pasya ng kanilang star player na si Kevin Durant na bukas sa negosasyon sa iba’t ibang koponan matapos mapaso ang kontrata.