Maine at Alden at mga tagahanga copy

TINUPAD ni Alden Richards ang pangako niya sa AlDub Nation ng Cebu na pagbalik niya roon para muling mag-show, isasama na niya si Maine Mendoza. Last Wednesday, maaga pa ay nasa Cebu na sina Alden at Maine para sa Kapuso Mall Show sa Gaisano Island Mall Parking Lot at para mag-promote na rin ng kanilang first solo movie na Imagine You & Me.

Masuwerte ang Cebu fans dahil sa kanila unang nag-promote ang magka-love team ng movie na idinirehe ni Michael Tuviera for GMA Films at APT Entertainment. Kaya ang Cebu local press ang unang nagkaroon ng first chance na ma-interview sa isang press conference sina Alden at Maine para sa kanilang movie.  

Maganda ang presscon at lahat ng tanong ay diretsong sinagot ng magka-love team, maliban sa tanong ng real score ng kanilang relasyon, na ang sagot nila:

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“Kung ano po ang inyong nakikita iyon na ‘yon. Marami na kaming pinagdaanang intriga, criticisms, na minsan bad, minsan very bad, minsan naman good, minsan very good, pero anuman po ang nangyayari, at the end of the day, alam namin kung ano ang totoo at nagkakaintindihan kaming dalawa. Saka iyong nagtatanong kung masaya kami, sobra pong napakasaya!”

Inamin ng AlDub na tumibay ang kanilang relasyon nang mag-shooting sila sa Italy, dahil from May 8 to 26, araw-araw silang magkasama.

“Mas nakilala namin ang isa’t isa. Kahit po iyong mga simple things lang na hindi namin napapansin kung magkasama kami sa kalyeserye ng Eat Bulaga, nakita namin. And everyday, nagiging stronger kami.”

Bago natapos ang press conference, a capella nilang kinanta ang theme song of the same title ng movie, Imagine You & Me upon the request of the press.

Napakaraming tao sa parking lot ng Gaisano Island Mall, kaya natanong namin si Oli Amoroso, GMA Regional Director, kung ano ang estimated crowd, at sagot niya, as per Kabalikat Civic Community, umabot ito ng mahigit na 12,000 people na hindi nila in-expect dahil tumama ang araw ng mall show ng Miyerkules.

Hindi nainip sa paghihintay ang mga tao dahil bago ang show, ipinalabas sa malaking video wall ang music video ni Maine habang kinakanta ang theme song at ang first teaser ng movie.

Nagkaroon din ng live interview si Iya Villania sa “Chika Minute” ng 24 Oras kina Alden at Maine na nasa likod nila kung gaano karami ang mga taong nanood. 

Pero sa lahat ng interview kina Alden at Maine, wala pa ring nakukuha kung ano ang story ng Imagine You & Me, dahil gusto raw nilang sorpresahin ang kanilang fans sa story nito.

Magsisilbing regalo nila ito sa kanilang first anniversary na magaganap sa July 16.

“Basta kapag napanood ninyo ang movie, na may masasaya, malungkot ding eksena, lalabas kayo ng sinehan na nakangiti at in love.”

Ano ang pasabog nila sa kanilang first anniversary?

“Hindi rin po namin alam, mukhang kahit kami ay sosorpresahin ng show in celebrating our first anniversary.”

(NORA CALDERON)