Tom copy

KINILIG at hindi magkamayaw ang mga tagahanga ni Tom nang sabihin niyang “absolute delight” si Taylor; lalo na nang sabihin niya na “roller coaster ride of action and spectacle and lots of laughs” sa tuwing kasama niya si Taylor.

Pero teka – pagkaraan lamang ng ilang araw, ipinahayag ng tagapagsalita ni Tom sa Dailymail na, sa kasamaang-palad, ang panayam na ito ay hindi nangyari.

“[It was] stitched together from old interview snippets to make it appear new,” pahayag ng tagapagsalita ni Tom.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Ngunit huwag mawalan ng pag-asa dahil may naganap man o walang naganap na panayam, patuloy na ipinapakita nina Tom at Taylor kung gaano sila kahalaga sa isa’t isa.

Kamakailan lamang ay namataan ang dalawa habang sumasayaw at naglalambingan at naghahalikan sa concert ni Selena Gomez sa Nashville, Tenessee, ayon sa ulat ng Dailymail.

Patunay lamang na hindi magtatagal ay aamin na rin ang dalawa sa kanilang tunay na relasyon. Iniulat din ng Dailymail na may source na nakapagsabi sa E!News na inimbitahan ni Taylor si Tom; nais ipakita ni Tom na handa siyang gawin ang lahat para kay Taylor. At ito ang gustung-gusto ni Taylor kay Tom.

Unang nakitang magkasama sina Tom at Taylor sa Anna Wintour’s pre-Met gala dinner at nakitang magkasayaw nang sumunod na gabi.

Naging usap-usapan ang magkakasunod nilang pagsasama lalo na nang kumalat sa social media ang litrato nilang dalawa na naghahalikan sa dalampasigan. (MB Online)