Ang iginagalang na gamefowl breeder na si Rafael “Nene” Abello ng Bacolod City at ang World Slasher Cup champion na si dating Kalinga Gov. Lawrence Wacnang ay nanatiling matatag hanggang sa huli at parehong may tig-5 panalo upang pagsaluhan ang kampeonato sa makasaysayang Thunderbird Iloilo Challenge na ginanap kamakailan sa Iloilo Coliseum.

Si Abello (Raffy Iloilo Coliseum) na natatanging kampeon ng una sa taunang Thunderbird Challenge na noon ay ginanap sa Isla ng Boracay, pitong taon na ang nakakaraan , ang siyang nakapag-uwi ng tropeo na dinisenyo ni Zandro Castrillo dahil sa pagkakatala niya ng mas mabilis na championship-winning time.

Gumawa rin si Wacnang (Crowsland) ng kakaibang record dahil sa kanyang muling pagwawagi katulad ng sa 2015 Thunderbird Davalo Challenge kung saan nagsalo naman sila ni Nestor Vendivil ng Nueva Ecija sa korona.

Ang local na five-cock derby naman na nagtampok sa mga pinakamahuhusay na mananabong ng Isla ng Panay Island ay dinomina nina Digmaan champion Kris Rodriguez (GH Make It Rain) at Mamerto delos Reyes (Polaris).

Filipino Olympian Hergie Bacyadan wagi kontra Chinese kickboxer; sinungkit gintong medalya