Barnes, kabilang sa walong player na paso ang kontrata.

OAKLAND, California (AP) — Hindi pa lubos na nalilimot ang bangungot ng Game Seven para sa Golden State, ngunit kailangan nang bumangon ng Warriors para maghanda at magpasya para sa bagong silahis ng araw sa Bay Area.

Tiniyak ni general manager Bob Myers na babawi ang Warriors para maibalik ang korona na naagaw ni LeBron James at ng Cavaliers. Ngunit, para maisakatuparan ang layunin, kailangan ng Warriors na magsakripisyo at bahagi nito ang pagbuwag sa kasalukuyang line-up at palitan ng mas malakas at palaban na bench.

Bukod sa paghahanda sa Rookie Drafting sa Huwebes (Biyernes sa Manila), magbubukas ang merkado ng free agent player sa Hulyo 1.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“One marathon ended, got a drink of water and now we’re moving on,” pahayag ni Myers.

“Even if we were sitting here right now with a parade, it doesn’t change who we draft and it actually shouldn’t change a ton of other things either, but it’s hard not to get swept up in that current. Because in this society, you win or you’re everybody else, and right now we’re everybody else. So you have to be strong enough and disciplined enough to not overreact to making decisions.”

Ngunit, iginiit ni Myers, na kailangang paghandaan ang kinabukasan ng prangkisa.

Kabilang sina starter Harrison Barnes at center Festus Ezeli sa mga players na paso ang kontrata sa Warriors at awtomatikong mapapabilang sa free agency.

“At this point it’s about what do you do to make sure that it doesn’t happen again?” pahayag ni forward Draymond Green patungkol sa itinuturing “greatest collapse” sa nakalipas na NBA Finals.

“I’m not the GM of this team, so I don’t make any decisions or make any changes to our roster. That’s not up to me. I do what I do, that’s play the game. Everything else will take care of itself, whether that’s the same 15 guys, whether that’s 10 of the 15 guys, whether that’s 12 of the 15 guys,” aniya.

Bukod kina Barnes at Ezeli, anim pang Warriors ang magiging free agent para sa pagbubukas ng season. Subalit, iginiit ni Myers na maaga pa para magdesisyon kung sinong mga manlalaro ang bibitiwan at mananatili sa koponan.

Mahirap magdesisyon. Matatandaang walang nagalaw sa line-up, maliban kay David Lee na nai-trade sa Dallas, nang makamit ng Warriors ang kauna-unahang kampeonato makalipas ang 40 taon.

Naging espesyal ang kampanya ng Golden State sa impresibong 24-0 simula at lagpasan ang 72-10 marka ng Chicago Bulls (1995-96) sa matikas na 73 panalo.

Nakabalik sa Finals ang Warriors, subalit nalasap ang pinakamasaklap na kabiguan sa kasaysayan ng NBA nang matalo ng Cavaliers matapos umabante sa 3-1.

Kabilang sina Marreese Speights, Brazilian Leandro Barbosa at Anderson Varejao, Brandon Rush, Ian Clark, at James Michael McAdoo, sa unrestricted free agent sa off-season.

“A lot of decisions that have to made,” sambit ni back-to-back MVP Stephen Curry. “We’ve got a great roster that’s accomplished a lot.”