Dong with Marian & Zia copy copy

MASAYANG nag-celebrate ng Father’s Day ang mag-anak na Dingdong, Marian at Letizia Dantes last Sunday. Nag-post si Dingdong sa Instagram ng picture nilang tatlo habang karga niya sa balikat si Baby Letizia at may caption na, “I think my neck and shoulders could accommodate three more little ones. #FirstDadsDay.”

Iyon nga ang unang pagdiriwang ni Dingdong ng Father’s Day bilang isa nang daddy since isinilang ni Marian si Baby Zia last November 23.

So, ready na nga ba sina Dingdong at Marian na sundan si Baby Zia?

Human-Interest

BALITrivia: Ang ‘I Love You’ na nagbigay ng trauma sa halip na kilig noon

Sa isang episode ng Yan Ang Morning, hinulaan si Marian na may coming soon baby na siya, pero hindi sinabi ng manghuhula kung kailan. Si Marian ang nagsabing sa December.

Natatandaan namin na sinabi ni Marian noon na ayaw niyang sundan agad si Zia hanggang hindi pa ito nag-iisang taon.

Sa November, one year old na nga si Zia, so puwede na itong masundan.

May balak pa sina Dingdong at Marian na dalawin ang daddy ng huli sa Spain para makita nito ang unang apo sa kanilang mag-asawa. Bagamat may kuwento si Marian na araw-araw silang nag-i-Skype ng daddy niya para makita nito ang apo.

Sa ngayon, palitan ang mag-asawa sa pag-aalaga kay Baby Zia kapag may taping si Marian ng Yan Ang Morning at Encantadia 2016 as Sang’gre Mine-a Ynang Reyna at si Dingdong naman sa shooting ng Star Cinema movie na muli nilang magtatambal ni Angelica Panganiban.

Kasama rin sa Encantadia 2016 si Dingdong as Haring Raquim na asawa ni Ynang Reyna. Lagi nang napapanood ang teaser ng requel ng Encandia dahil airing na nito sa July, mula sa direksiyon ni Mark Reyes. (NORA CALDERON)