Alden Maine YAM copy

GOOD vibes na lagi ang gustong ibahagi nina Alden Richards at Maine Mendoza sa kanilang fans, kaya hindi na nila iniintindi ang bashings na ipinupukol sa kanila ng mga taong ayaw sa kanila.

Basta napapasaya nila ang kanilang fans, masaya na rin sila.

Si Alden, maging ang pagmamahal niya sa kanyang pamilya ay hindi matanggap ng iba, kaya ang nagsalita siya na ang kanyang pamilya ang lakas niya lalo na kung down siya, at kahit anong hirap niya kapag nakikita niyang masaya sila, masaya na rin siya.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Dahil isa sila sa mga pangunahing dahilan kung bakit siya nagpapakahirap magtrabaho, dahil hindi para sa sarili lamang ang iniisip niya kundi ang kapakanan ng kanyang pamilya.

Tinatawanan na lang din ni Maine ang pamimintas na hindi raw siya maganda at iniisip na lamang niya nang una siyang mag-audition sa Eat Bulaga noong on June 19, 2015, na wala siyang kaalam-alam kung ano ang gagawin niya.

Nasabihan nga raw siya ni Jenne Ferre, headwriter ng Eat Bulaga, na “walang kalatuy-latuy”. Ang tangi lamang daw niyang panlaban noon ay ang kanyang big red lips at umarteng tila crazy woman tulad ng hinihingi sa kanya.

At least daw nag-try siya at nasa isip niyang pababalikin siya ng Eat Bulaga. Hindi nga nagkamali si Maine dahil July 5, pinabalik siya at nakilala bilang Pambansang Yaya, si Yaya Dub, sa kalyeserye.

Nakilala naman niya noong July 16 ang kanyang prince charming, sa split screen, si Alden Richards at naging ka-love team.

Sabi nga, the rest is history.

Marami ang nag-wish na sana’y maging ‘sila’ dahil ang naniniwala ang fans na may forever sila. Ang wish ng fans na makagawa ng solo movie sina Alden at Maine, after ng My Bebe Love #Kilig Pa More, ay nagkaroon ng katuparan, dahil sa July 13, mapapanood na sa mga sinehan nationwide ang Imagine You & Me. Malaking bahagi nito ang kinunan sa Italy ni Direk Michael Tuviera. Sa July 12 naman ang premiere night nila.

Kaya ngayon, ratsada na sa promo tour sina Maine at Alden. Sa Cebu ang first stop nila ngayong araw at bukas (June 22 and 23), kaya wala muna sila sa Eat Bulaga. May mall show muna today ang dalawa kaya umaga pa lamang ay nasa Cebu na sila. Bukas, sila ang mangunguna sa celebration ng Taste The Feeling Festival mula 12:00 noon onwards, kasama ang Rocksteady, Itchyworms, at si DJ Tom Taus, na gaganapin sa Cebu IT Park Garden Bloc, Cebu City.

Samantala, cancelled ang Aldenvasion concert ni Alden sa San Fernando, Pampanga sa Sabado. Pero sa halip na malungkot, natuwa pa ang AlDub Nation dahil tama raw ang desisyon ng producer.

Narito ang statement nila tungkol dito:

“The organizers of the Aldenvasion concert, featuring Alden Richards scheduled on June 25 at the Laus Group Event Centre San Fernando, Pampanga, are postponing the event due to persistent reports that may endanger the safety of the artist and the audience.

“It has been decided that a thorough investigation be made to address the issue. We will announce the new date soon!

“You may reach out to your ticket’s point of sale for further details on how you can get refund. Thank you & God Bless!”

Abangan na lamang ang mga susunod na schedule ng AlDub sa iba’t ibang lugar bilang bahagi ng kanilang promo para sa kanilang pelikula. (NORA CALDERON)