Sunshine Dizon copy

MARAMI ang nakisimpatiya at naka-relate sa nangyayari sa married life ni Sunshine Dizon na may pinagdadaanan ngayon dahil nadiskubre na may extra-marital affair ang kanyang asawa. 

Pinayuhan si Sunshine ng mga kaibigan na magpakatatag at mag-focus sa pag-aalaga sa dalawa niyang anak, na kanya namang ginagawa.

Pero matapang si Sunshine dahil ipinost niya sa Instagram (IG) ang picture at pangalan ng diumano’y babae ng kanyang asawa na nasa medical profession. Pati picture ng babae kasama ang husband niya at love letter nito ay ipinost din ng aktres sa social media. 

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Hindi pa nakuntento si Sunshine dahil pati ang pinagtatrabahuhan ng babae ay ipinost din niya.

Ang masakit pa kay Sunshine, sa iisang condominium pala sila nakatira ng sinasabing babae ng asawa niya, three floors above sa unit na tinitirahan nila ng kanyang mga anak.

As per Sunshine’s post sa IG, ‘tila nagpunta sa Amerika ang asawa niya at ang babae nito. Tinanong pa niya ang girl kung nag-enjoy ito sa US trip.

Natakot yata ang girl sa ginawa ni Sunshine na pagbanggit sa pangalan nito at pagpo-post ng picture, kaya “user not found” na ang IG nito at pati na raw ang Facebook account.

Wala pa uling update si Sunshine sa nangyayari sa kanila ng kanyang asawa. Sa latest post niya, wala na siyang binanggit tungkol sa asawa at sa babae nito; kasama niya sa picture ang dalawang anak na lalong nagpalungkot sa kanyang followers.

Ang caption ni Sunshine sa picture nilang mag-iina, “At the end of the day I will always have you two, and it will all be worth it. Keep your heads up, Mama will protect you. Keep your heads up and have pride knowing you will always be loved.”

Makakausap ng press people si Sunshine sa presscon ng Encantadia na kasama siya sa cast sa hindi pa sinasabing role.

Sa July na ang premiere ng requel ng fantaserye sa direction ni Mark Reyes. Tingnan natin kung magsasalita si Sunshine sa malaking problemang dumating sa kanyang buhay may asawa. (NITZ MIRALLES)