BEIJING (AP) – Dahil sa isang linggong pag-uulan sa katimugang China, 25 katao ang nasawi at nasa 33,200 residente ang nawalan ng tirahan, kabilang ang nasa mahihirap at liblib na rehiyon sa China.

Sinabi ng Civil Affairs Ministry ng China na apat na milyong katao sa 10 lalawigan ang apektado ng baha at pagguho ng lupa simula nang bumuhos ang tuluy-tuloy na malakas na ulan nitong Hunyo 13. Anim na iba pa ang nawawala.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'