SHARON copy

NAGSIMULA nang mag-recording si Sharon Cuneta para sa nabanggit niyang CD album na kasama sa mga gagawin niya sa muli niyang pag-a-active sa showbiz.

Nagulat lang kami dahil hindi sa Viva Records o sa Star Records kundi sa Bellhaus Recording Studio nag-recording si Sharon.

Binisita namin ang Twitter account ng Bellhaus para alamin kung affiliated ba ito sa Viva o sa Star Records, pero wala kaming nakitang clue.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Hindi malinaw kung ang Bellhaus Entertainment mismo ang magre-release ng CD album ni Sharon o ang Viva o Star Records.

Anyway, ang importante nagsimula nang mag-recording ni Sharona at sana, isunod na ang ipinangako niyang gagawing pelikula kasama ang isang sikat na love team.

Kanya-kanyang hula ang fans ni Sharon kung sino ang love team na tinutukoy niya. Gusto munang malaman ng fans ng megastar kung sino ang producer ng comeback movie niya. Kung Viva Films, malamang na sina James Reid at Nadine Lustre ang makakasama niya; kung Star Cinema, baka sina Enrique Gil at Liza Soberano. (NITZ MIRALLES)