Tom at Taylor copy

MAAARING ayaw ni Taylor Swift sa salitang calculating, ngunit hindi maikakaila na batikan na ang superstar sa kanyang mga ginagawa sa ibabaw o sa ibaba man ng entablado.

Isang araw matapos kumalat sa social media ang litrato ng Bad Blood singer na nakikipaghalikan sa aktor na si Tom Hiddleston — dalawang linggo lang ang nakalilipas simula nang maghiwalay sila ni Calvin Harris, ang katanungan ng marami ay kung sinadya nga bang ipakalat ng superstar ang nasabing larawan?

Naglathala ang New York magazine ng isang artikulo na pinagdududahan ang timing sa naganap. Hinayaan nga ba ni Taylor na kumalat ang litrato sa Internet noong Miyerkules?

Kahayupan (Pets)

Asong inabandona sa paradahan ng tricycle noon, 'poging-pogi' na ngayon

Ano nga ba talaga ang relasyon nina Taylor at Tom?

May source na malapit kay Swift na nagsabi sa Yahoo Celebrity na ang namumuong relasyon ng dalawa ay hindi lang gimik o palabas.

“It’s new, and they are just taking it as it comes. But she is happy,” pahayag ng source, at sinabing inilarawan umano ng Grammy-winning singer ang lahat ng “poor Taylor dumped” headline na “pretty ironic.”

“Just look at the video of Taylor and Tom dancing at the Met Gala a month ago to see them show off their chemistry,” pagtatanggol ng source. (Yahoo News/Celebrity)