Christina Aguilera

NAGLABAS ng bagong awitin si Christina Aguilera, may titulong Change, matapos ang mass shooting sa isang nightclub sa Orlando noong Linggo.

Ibinahagi ng singer ang lyric video ng nasabing awitin, kalakip ang kanyang pahayag na nais niyang maging bahagi ng makabuluhang pagbabago na kinakailangan ng mundo.

Tampok sa lyrics ang tungkol sa paghihintay ng pag-asa at pagbabago at “waiting for the day when hate is lost and love is found.” Ayon kay Aguilera, ang mga kikitain sa pagda-download ng nasabing awitin ay mapupunta sa National Compassion Fund upang makatulong sa mga biktima at pamilyang naulila ng mga ito.

Kahayupan (Pets)

Asong inabandona sa paradahan ng tricycle noon, 'poging-pogi' na ngayon

Sumulat din ang singer/songwriter na si Melissa Etheridge ng awitin na tinawag namang Pulse, na halaw sa pangalan ng club na pinangyarihan ng malagim na pamamaril na ikinamatay ng 49 na katao at marami pang malubhang nasugatan.

(Associated Press)