Vina copy

NAGSALITA sa presscon ng Born For You, pinagbibidahan ng pinakabagong love team ng Kapamilya Network na sina Elmo Magalona at Janella Salvador, ang isa sa mga kasama sa serye na si Vina Morales hinggil sa limang counts ng libel na ihahain ng ama ng kanyang anak na si Cedric Lee.

“I think wala akong ikababahala about diyan. I maean, the issue is about my daughter’s case. ‘Wag nating kalimutan ‘yan. Naka-focus lang ako sa kaso ng anak ko and that is my top priority. ‘Yan lang ang concern ko.”

Napabalitang magsasampa ng kaso si Cedric laban kay Vina pero as of press time ay hindi pa natutuloy. 

Kahayupan (Pets)

Asong inabandona sa paradahan ng tricycle noon, 'poging-pogi' na ngayon

Nakahanda na ba si Vina kung sakaling ituloy nga ni Cedric ang kaso? 

“Katulad ng sinasabi ko, ang laban na ito ay tungkol sa anak ko at hindi nangyari ‘yun kung walang nag-umpisa. At saka first of all galing na po sa korte ang desisyon at hindi ko gawa-gawa ito. There was never an issued copy granting visitation agreement for ten days as they claimed. 

“So, that’s why he was cited contempt in court. So wala akong pagsisinungaling dito at hindi ko gawa-gawa talaga,” paliwanag ni Vina. 

Ayaw magsalita ni Vina tungkol sa ibang isyu maliban sa kaso ng pagtatanggol niya sa anak niya at ‘yun lang daw talaga ang concern niya. 

“Kilala n’yo naman ako. I have been in this business for almost 30 years. Magsi-celebrate na ako ng anniversary this year, may nabalitaan na ba kayong meron akong naisahang tao?

“May nalaman na ba kayong gumagawa lang ako ng istorya para lang siraan ang ibang tao?

“Wala akong balak na siraan siya. Ang sa akin lang, eh, ‘yung nararamdaman ko tungkol sa anak ko at ‘yung result ng unang inilabas ng korte, ‘yun lang,” sey pa ni Ms. Vina Morales. 

May mga isyu namang humingi raw ng tulong si Vina kay incoming President Duterte sa pamamagitan ng dating nobyong si Robin Padilla. Idinaan daw ito ng aktres sa pagpo-post sa Instagram na parang humihingi siya ng saklolo kay Robin Padilla. 

Ano ang masasabi niya tungkol dito? 

“”Sa totoo lang, eh, kaya ako nag-post, eh, hindi dahil sa kung anupaman. I wanted a little bit lighter. Eh, di ba alam n’yo naman ‘yung pelikula naming Utol Kong Hoodlum na parang sinasabi kong ‘sige ka, isusumbong kita sa utol kong hoodlum. 

“Parang nakita ko lang ang picture ni Robin, then nag-post lang ako. Pero just like I said du’n, eh, walang halong pulitika ‘yun. Kumbaga, nakatuwaan ko lang na mag-post. Walang ibig sabihin ‘yun naman,” sagot ni Vina. 

Natuwa si Vina na pati na si Mariel Rodriguez ay nakapagkomento sa naturang post niya. 

“Well, I wish them well. And I always pray na magkaroon na sila ng baby very soon. Importante lang naman, eh, dasal.

Kaya nga, kung marami ang nagdadasal din para sa akin at sa anak ko, eh, nagpapasalamat tayo dahil alam kong walang makatatalo sa prayers,” sey ng aktres/singer.

Hanggang saan at kailan niya hinahangad na matapos ang isyu sa kanila ni Cedric?

“Well, right now, it is best interest for my daughter na alam naman natin na minor pa. The case will be discussed sa korte.

“Kumbaga, bata pa siya at paglaki niya, kaya ipinaubaya ko ‘yun doon. Ngayon, eh, wala pang ruling na ibinigay sa both motion, hinihintay lang namin ang court order ng lawyer ko na si Atty. Santiago. 

“In touched naman kami at alam naming pareho na crucial ang case na ito, kaya ngayon maski ano ang itanong ninyo sa akin, eh, wala akong masasagot ng diretso dahil hinihintay lang din namin kung anumang magiging desisyon ng korte,” lahad pa ni Vina. 

Kamusta na ang daughter niya ngayon? 

“Hindi po ako magpa-file ng motion kung wala akong nakikitang change of behavior. Lahat naman tayo, eh, kumbaga ‘yung nine days na kung saan sanay na sanay siyang kausap ako, eh, hindi niya ako nakakausap.

“Basta sa ngayon, eh, ipinauubaya ko na lang sa korte ang lahat,” pagtatapos ni Ms. Vina Morales. (JIMI ESCALA)