Ang maiinit na inumin, mahigit 65c, ay maiuugnay sa oesophageal cancer, ayon sa cancer research agency ng World Health Organisation (WHO).
Nilinaw na ng WHO na ang kape ay hindi nagiging sanhi ng cancer, ngunit napag-alaman na ang mga inuming sobrang init ay maaaring maging sanhi ng oesophagus cancer o gullet.
Noong 1991, ang kape ay minsan nang tiningnan bilang sanhi ng cancer, ngunit muling kinonsidera ng International Agency for Research on Cancer (IARC), na parte ng WHO, ang ebidensiya.
Ipinakita nito ang mga detalyadong pag-aaral ng iba’t ibang pananaliksik at napag-alaman na walang dapat ipag-alala ang mga umiinom ng kape.
Pinag-aralan din ng IARC ang herbal drink mate, na kilala sa tawag na chimarrão orcimarrón, na mabentang-mabenta sa South America, na ang oesophageal cancer ay mas karaniwan kaysa ibang parte ng mundo.
Napag-alaman ng mga eksperto na hindi ang mate ang nagiging sanhi ng cancer, ngunit naniniwala sila na ang temperatura na iniinom ng isang tao ay may epekto at maiuugnay sa oesophageal cancer.
“It is consumed very hot,” ayon kay Dr. Dana Loomis ng IARC. “This led to interest in other hot drinks around the world. There seems to be an effect of temperature.
“There is limited evidence in human studies, and limited evidence in animal studies, for the carcinogenicity of very hot drinks,” pahayag ni Loomis.
Sa mga taong mahilig uminom ng hot tea sa Europe at US ay hindi kinakailangang mangamba, ayon kay Loomis. “It is important to recognise that hot drinks that were studied for the basis of this classification are perhaps a bit different from tea or coffee as consumed [in other parts of the world] – 65c is quite hot.”
Sa European country, ang mga iniinom na kape at tea ay karaniwang nasa 60C, aniya, at paminsan-minsang hinahaluan ng gatas, na nagpapalamig dito. Ang mga tea sa Iran at mate sa South America ay karaniwang iniinom sa temperaturang 70c.
“Mate is not only prepared very hot, but drunk through a metal straw that delivers it directly into the throat,” ayon kay Loomis.
Sa isang pag-aaral tungkol sa mga hayop, napag-alaman na ang mainit na tubig ay nagiging sanhi ng tumor. “It appears that there is thermal injury from exposure to hot liquids that is capable of leading to cancer of the oesophagus,” aniya. (The Guardian)