Calvin at Taylor copy

TILA walang nangyari kina Calvin Harris at Taylor Swift.

Matatandaang naghiwalay ang dating magkasintahan sa pagsisimula ng buwang kasalukuyan at ngayon ay in-unfollow na ng 32 taong gulang na DJ si Swift sa Instagram at sa Twitter— na may 4,000 katao siyang pina-follow at hindi na kabilang sa mga ito si Swift. Binura na rin niya ang mga litrato nilang dalawa sa Instagram.

Pero pina-follow pa rin ng 26 na taong gulang na Blank Space singer si Calvin sa kaparehong social media platform — at kahit papaano, sa ngayon — binura na rin nito ang mga litrato ng ex-boyfriend.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Ang kapansin-pansin sa mga nawalang litrato ay ang mga ipinost nilang kuha sa romantikong bakasyon nang ipagdiwang nila ang kanilang unang anibersaryo noong Marso.

At dahil involve ang kani-kanilang Instagram account, ang tanging pruweba na lamang na nagbakasyon ang singer sa nasabing lugar ay ang solo shot ni Taylor na pang-audition umano niya bilang Victoria’s Secret model.

Kamakailan lamang ay isang source na malapit kay Taylor ang nagsabi sa ET na hindi sang-ayon ang isa sa kanila na maghiwalay.

“A few weeks ago she was talking about marrying him,” pahayag ng source. (ET Online)