Bagamat 15 araw na lang ang natitira bago matapos ang termino ni Pangulong Aquino, patuloy pa rin ang paghahain ni outgoing Commissioner Kim S. Jacinto-Henares ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ng tax evasion case laban sa 13 negosyante dahil sa tax debt ng mga ito na aabot sa P466 na milyon.

Sa pagsisimula ng kanyang panunungkulan noong Hunyo 2010, umabot na sa 481 ang mga tax evasion case na isinampa ni Henares sa Department of Justice (DoJ) upang repasuhin at kalaunan ay kasuhan sa korte.

Kabilang sa mga huling kinasuhan ng BIR sina Ronaldo Correo, may-ari ng Correo Construction Services sa Canaman, Camarines Sur; Danilo Relucio at Stella Relucio, presidente at treasurer ng Constrak International sa Project 4, Quezon City; Amador Cruz, chairman ng AC Electrical Corporation sa West Kamias, QC; Efren Lazaro at Edna Lazaro, presidente at treasurer ng Errizaro Shoe Corporation sa Sto. Niño, Marikina City; Leonito Borja, Jr., proprietor ng LB7 Trucking at Trading sa Mambugan, Antipolo City; Benjamin Tan at Maribel Tan, presidente at treasurer ng Kevin Enterprises sa Cagayan de Oro City; Ricardo Tayag, may-ari ng R.P. Tayag Builders sa Salapungan, Angeles City;

Archimedes Reynoso, pangulo ng A.R Arch Inter-Design Corporation sa Commonwealth, QC; at Michael Cosay, pangulo ng Cosco Petroleum Company sa Pili, Camarines Norte.

National

'Nahuli na si Pastor Quiboloy!'—Abalos

Ayon kay Henares, ipinag-utos niya ang paghahain ng kaso laban sa 13 negosyante matapos balewalain umano ng mga ito ang notice ng BIR upang bayaran ang kanilang tax debt simula pa noong 2006. (Jun Ramirez)