Patay ang isang hinihinalang drug pusher nang ratratin ng apat na lalaki na nakasuot ng maskara at itim na jacket sa Muntinlupa City, nitong Martes ng hapon.

Dead on the spot ang biktimang si Marlon Oliva, alyas “Marlon Tulak”, 37, nakatira sa 658 Mullet Compound PNR Site, Barangay Cupang, Muntinlupa City, sanhi ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa inisyal na ulat na natanggap ni Muntinlupa City Police chief Senior Supt. Nicolas Salvador, dakong 1:45 ng hapon nang dumating at binistay ng bala ng mga suspek si Oliva habang umiistambay sa bahagi ng Mullet Compound PNR Site sa nabanggit na barangay.

Nang makumpirmang patay ang biktima, mabilis na tumakas ang mga suspek bitbit ang mga baril na ginamit sa krimen.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Batay sa imbestigasyon, kilala umanong tulak ng droga si Oliva sa kanilang lugar.

Isa sa mga motibong sinisiyasat ng awtoridad ay onsehan sa transaksiyon sa droga.

Patuloy na iniimbestigahan ang insidente at inaalam pa ng pulisya kung may CCTV sa lugar na makatutulong sa pagtukoy sa mga suspek. (Bella Gamotea)