Muntikan nang magdeklara si Pangulong Benigno Aquino III ng martial law sa probinsiya ng Sulu sa huling pagsisikap na masupil ang notorious na Abu Sayyaf Group (ASG).

Gayunman, sinabi ng Pangulo na hindi niya itinuloy ang pagpapatupad ng martial law dahil walang garantiya na magkakaroon ng positibong resulta sa kampanya laban sa ASG.

Ito ang ibinunyag ni Aquino tungkol sa martial law option sa kanyang guwardiyadong pagbisita sa Jolo, Sulu para pangasiwaan ang pinaigting na operasyon ng gobyerno laban sa mga Abu Sayyaf. Bumisita ang Pangulo sa Jolo dalawang araw matapos isakatuparan ng Abu Sayyaf ang bantang pupugutan ang isa pang bihag na Canadian matapos walang ibinayad na ransom.

“Yes, in Sulu in particular,” sinabi ng commander-in-chief sa press conference nang tanungin kung naisip niyang magdeklara ng martial law laban sa Abu Sayyaf.

Lacson, tila nagpatutsada sa ilang nag-file ng COC: 'The following are not disqualified...'

“May assessment na ang dami nating pwersang gagamitin just to implement martial law which might…Walang guarantee na magkakaroon ng positive results.. Baka magkaroon pa ng negative results, baka magkaroon ng dagdag na simpatya sa mga kalaban,” dagdag niya.

Nang tanungin kung ikinonsidera niya ang martial law rule sa Sulu, sinabi ni Aquino na tinalakay ang idea “last three weeks” habang papalapit ang deadline ng ASG para patayin ang isa pang hostage at papalapit na rin ang mga puwersa ng gobyerno sa mga bandido. (GENALYN KABILING)