Poster copy

INI-RELEASE na ni Direk Mike Tuviera ang dalawang poster ng ginawa niyang still untitled movie nina Alden Richards at Maine Mendoza sa Como, Italy.

Excited ang AlDub Nation ng makita ang posters sa Instagram account nina Alden at Maine. Bago gumabi ng Tuesday, umabot na sa mahigit na 60 thousand ang likes ng fans.

Kay Alden naka-post ang poster nila ni Maine na nakaupo sila sa isang bench sa tinawag na lovers lane facing Lake Como, at ang tag lamang ay ‘In Cinemas this July.’

Kahayupan (Pets)

Asong inabandona sa paradahan ng tricycle noon, 'poging-pogi' na ngayon

Naka-post naman sa account ni Maine ang poster na nagba-bike siyang mag-isa along lovers lane na may caption na ‘All my life I was seeking for someone I can call my own.’ May tag din na ‘In Cinemas this July.’

Hindi pa namin alam ang exact playdate ng movie, pero ang fans nila, maraming taga-abroad, ay nagsabi nang isinabay nila ang bakasyon sa Pilipinas sa showing ng movie. Ang iba namang hindi makakauwi, magpapadala raw ng pera sa kani-kanilang pamilya at mga kaibigan para manood ng movie at masuportahan sina Alden at Maine.

Nagpasalamat din sila sa APT Entertainment Inc. at GMA Films na ipinagkaloob sa kanila ang matagal na nilang request na solo movie ng magka-love team.

Nasa post production na ang movie at last Tuesday, ini-record na rin ni Maine ang theme song dahil nalapatan na ito ng music ni Bossing Vic Sotto. (NORA CALDERON)