Binalaan ng isang environmental group ang mga mag-aaral na maging maingat sa pagbili ng mga laruan na ibinebenta sa tindahan malapit sa mga paaralan dahil ilan sa mga ito ay hindi ligtas sa kalusugan.
“The sale of cheap playthings outside the gates has become a common sight in many of our public schools. More often than not, these playthings are not properly labeled and registered, and provide no safety instructions and precautionary warnings. Many toys appear harmless to the naked eyes. But, unknown to many of us, some toys can pose health and safety risks, especially for young children,” pahayag ni Thony Dizon, coordinator ng EcoWaste Coalition’s Project “Protect.”
Ayon sa opisyal, ang mga laruang ito ay maaaring magdulot ng hirap sa paghinga o makabulon dahil sa maliliit nitong piyesa na posibleng malulon ng bata. Ang iba naman ay maaaring makasakit sa mata o makasugat dahil ang mga ito ay may matatalas na bahagi, habang ang iba ay maaaring makasakal dahil sa mahahabang kordon o lubid.
“There are also toys that are laced with health-damaging chemicals such as cadmium, lead, mercury and phthalates that can harm children’s brains and development,” dagdag niya. (Charina Clarisse L. Echaluce)