Muling naiulat ang pagiging aktibo ng Bulkang Mayon matapos ang strombolian activity at lava effusion nito, batay sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) nitong Martes, Hulyo 14.
Ayon sa PHIVOLCS, 190 magkakasunod na araw nang aktibo ang Mayon matapos ang naturang effusive eruption.
Kuha sa camera footage ng ahensya ang aktibidad ng bulkan na nagmumula sa summit crater nito, na naganap dakong 12:15, 12:36, 12:43, 1:20, 3:12, at 4:08 ng madaling araw.
Sa kasalukuyan, patuloy na nakataas sa Alert Level 3 ang bulkan.
Bunsod nito, hindi pa rin pinahihintulutan ang pagpasok sa loob ng 6-km radius Permanent Danger Zone nito.
Base pa sa ulat ng PHIVOLCS, naitala rin ng bulkang Mayon ang 249 volcanic earthquakes, 20 volcanic tremors, 285 rockfalls, at 17 pyroclastic density current signals o uson.