Amber copy copy

ILANG buwan pa lamang ang nakalilipas simula nang tapusin nina Amber Rose at Kim Kardashian ang kanilang iringan, ngunit muli na namang sumulpot ang usap-usapan na may iringan na namang nagaganap sa pagitan nila.

Sa panayam ng New York Daily News nitong nakaraang Linggo, mukhang may namamagitan na namang gulo kay Amber at sa pamilya Kardashian. Bagamat ipinagpipilitan niya na wala siyang problema kay Khloe Kardashian (nagtalo sa Twitter ang dalawa noong nakaraang taon, nang awayin ni Amber si Kylie Jenner dahil nakikipag-date ito kay Tyga, na matalik niyang kaibigan, dating nobyo ni Blac Chyna), hindi niya naitago ang pagkainis kay Kim.

“Let’s face it, the only reason these girls have a career is because their older sister had a little fun on tape,” aniya, tinutukoy ang kumalat na sex video nina Kim at dati nitong nobyo na si Ray J.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Kahit na sa tingin ng lahat ay muli na namang nakikipag-away si Amber, 32, sa mga Kardashian, ipinahayag niya sa Twitter ang kanyang saloobin nitong Lunes.

“Wtf?! Y’all really want me and Kim to feud huh? Well It’s not gonna happen #FakeStory #GirlPower,” pahayag ni Amber.

(The Insider)