Alden Knights at mga mag-aaral copy

BAGO nagsimula ang regular classes kahapon sa lahat ng mga pampublikong paaralan nationwide, inimbitahan kami ng Alden Knights sa isang gift-giving sa Sinalhan Elementary School sa Sta. Rosa, Laguna noong June 11. Ang Alden Knights ay binubuo ng mga fans ni Alden Richards sa mga chapter sa Manila, Vancouver, Official, Family at Santa Rosa.

Kahit nag-donate na rin sila ng dalawang beses as Alden Knights Family sa “Isang Lapis, Isang Papel” project ng Eat Bulaga, nagsagawa pa rin sila ng sariling pamamahagi ng school bags and school supplies sa may 200 pupils ng school.

Napili nila ang Sinalhan Elementary School at nagpasalamat sa kanila si Konsehal Donn Ferdinand Babasanta aka Konsehal Donna Babasanta dahil kahit malayo sa kabayanan ang lugar nila, na ang likod ay ang Laguna de Bay, nakarating pa rin sila.

Kahayupan (Pets)

Asong inabandona sa paradahan ng tricycle noon, 'poging-pogi' na ngayon

Bukod sa gift-giving, nagdala rin sila ng merienda para sa mga bata, siyempre, ng ini-endorse ng AlDub, ang McDo.

Nalaman din namin na hindi nanghingi ng donations ang grupo, sila-sila talaga ang nag-share sa lahat ng gastos nang hapong iyon.

Nagpasalamat sila kay Daddy Richard Faulkerson, Sr. aka Daddy Bae, na siyang naging representative ng anak na si Alden dahil may Eat Bulaga ito at pagkatapos ay ang meet and greet sa Robinson’s Forum para sa ini-endorse nitong Dona Maria Rice.

Mahiyain pala itong si Daddy Bae na nagpasalamat naman sa magandang endeavor ng Alden Knights sa pag-aabot ng tulong sa mga batang mag-aaral. Game siyang nakipag-pose sa pupils.

Nag-promise naman ang Alden Knights, sa ngalan ni Alden Richards na hindi roon natatapos ang pagtulong nila sa pamamagitan ng outreaches sa iba’t ibang lugar. (NORA CALDERON)