Adam at Christina copy

EVESHAM TOWNSHIP, N.J. — Nag-alok si Adam Levine ng libreng pagpapalibing sa The Voice singer na binaril sa Florida concert.

Si Levine ang naging mentor ni Christina Grimmie na third placer nang sumali sa The Voice ng NBC dalawang taon na ang nakalilipas.

Nitong Lunes, kinumpirma ni Carleen Donovan ang nasabing alok ni Levine.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Nakatakdang magsagawa ng candlelight vigil sa bahay ni Grimmie sa New Jersey upang bigyang-pugay ang 22 taong gulang na singer na pinatay noong Biyernes ng gabi habang nagpapapirma ang kanyang mga tagahanga sa Orlando show.

Tumira ang YouTube star sa Evesham, isang maliit na komunidad na 20 milya ang layo mula sa Philadelphia, bago lumipat sa Los Angeles noong 2012.

Hanggang sa ngayon ay hindi pa rin natutukoy ang motibo sa pagpatay kay Grimmie.

Ayon sa mga awtoridad, walang personal na koneksiyon kay Grimmie ang lalaking bumaril sa kanya. (Associated Press)