Mga laro ngayon (San Juan Arena)

1 n.h. – Sta.Elena vs Navy

4 n.h. --Iriga vs NU

6:30 n.g. -- UP vs Balipure

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Melissa Gohing of Pocari Sweat tries to save the ball against Baguio during the 13th Season of Shakey's V League Open - Conference at the Flying V Arena in San Juan City on Saturday. MB PHOTO / KEVIN DELA CRUZMapapanood ang pinakahihintay na paglalaro ni volleyball star Alyssa Valdez sa koponan ng Balipure sa pakikipagtuos sa University of the Philippines sa pagpapatuloy ng Shakey’s V League Season 13 Open Conference ngayon sa San Juan Arena.

Hindi nakalaro ang UAAP three-time MVP sa unang dalawang laro ng Purest Water Defenders matapos magtungo sa Italy para sumabak sa exhibition match.

Huling tinalo ng Balipure, pinangunahan ni reigning NCAA back-to-back MVP Gretchel Soltones, ang Team Iriga nitong Sabado.

Sa pagbabalik-aksiyon ni Valdez, inaasahang mas matatag ang Balipure at dadagsa muli ang kanyang mga tagahanga na huling ipinamalas ang kanyang kahusayan sa UAAP Finals kung saan nabigo sila sa La Salle.

Magtatangka naman ang Lady Maroons, sa pangunguna ni UAAP Season 78 top rookie Isa Molde, na dugtungan ang nakamit na unang panalo kontra Baguio matapos mabigo sa unang dalawang laro.

Maliban sa upset, hangad din ng tropa ni coach Jerry Yee na makatabla sa ikatlong puwesto na okupado ng Laoag na may patas na 3-2 marka, habang target ng Balipure na makasalo ng Philippine Air Force (3-1) sa ikalawang puwesto.

Magtutuos sa unang laro ang Iriga at National University.

Sa nag- iisang laban sa Spiker’s Turf, mag-uunahan na makapasok sa winner’s circle ang Sta.Elena Construction at Philippine Navy matapos makaranas ng kabiguan sa unang dalawang laro. - Marivic Awitan.