ALL smiles si Mark Herras nang makita namin sa GMA Network nang nag-file siya sa BIR One-Stop-Shop filing of affidavit-declaration of current year’s gross income. Nasabi naming happy kami for him and his girlfriend WinWyn Marquez. 

Kailan ang kasal? 

“Two years pa po,” hindi nagkailang sagot ni Mark. “Nag-iipon pa kami kaya busy kami ngayon pareho ni Wyn.”

Biniro namin si Mark na kaya pala nag-Hong Kong Disneyland muna sila ni Wyn.

'Dami pong sideline!' BINI Jhoanna, sumabak bilang docuseries intern

“Yes po. Kababalik lang namin from a short vacation sa Hong Kong at para kaming mga batang namasyal doon. Balik na po kami sa trabaho ngayon, busy si Wyn dahil nagbukas na iyong snack store namin ng mga kasosyo namin, ang Wicked Carnival sa Xavier School sa Nuvali,” sabi ni Mark. 

“May dalawa pa kaming stores na bubuksan, sa Lakewood, Muntinlupa City at sa Southville in Parañaque. Pareho kaming busy ni Wyn, siya sa stores namin at ako naman, may dalawa akong shows na sisimulan. 

“Thankful ako sa GMA dahil dalawa muli ang ibinigay nilang shows sa akin, isang sitcom, ang Conan My Beautician with 2013 Miss World Megan Young na mapapanood every Sunday, 5:00 PM simula sa June 26 at ang afternoon drama series, na Sa Piling ni Nanay na magsisimula na sa June 27.”

Natanong namin si Mark, na puwedeng hindi niya sagutin, kumusta ang relasyon ni a Wyn sa anak niyang magti-three years old na sa November, si Ada. Maayos daw ang relasyon ng dalawa dahil mahilig din sa bata si Wyn. Kahit daw ang mom ng anak niya, alam naman ang relasyon nila ni Wyn.

After a short tsika nagpaalam na si Mark at pupunta pa raw siya sa bangko.

“Nami-miss ko po sa ganito si Tito Jun na siyang nag-aasikaso sa lahat noong nabubuhay pa siya. Pero tama na rin na matutunan ko ang lahat ng ito, hindi na ako bumabata, I will turn 30 years old na rin po sa December.”

(Nora Calderon)