Muhammad Ali Muslim Service

LOUISVILLE, Ky. (AP) — Naisakatuparan ang kahilingan ni Muhammad Ali sa araw ng pagluluksa ng kanyang pagpanaw.

Magkakasamang nagbigay ng pagpupugay ang kanyang mga kapatid na Muslim at Kristiyano, pinakamayayaman at pinakasimpleng tao, gayundin ang mga dignitaries at celebrity, maging ang mga tindero at kapit-bahay ng pumanaw na “The Greatest”.

Sa Twitter at iba pang social networking site, patuloy ang pagbuhos ng panalangin at pagkilala mula sa mga kaibigan, tagahanga at malalaking pangalan mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Human-Interest

LABUBudol? Mga artistang nahumaling sa 'Labubu craze!'

Bawat isa ay nagbigay ng kanilang panalangin at pagbibigay galang sa itinuturing na pinakabantog na atleta at aktibista sa isinagawang “Jenazah” – isang tradisyunal na memorial service para sa Muslim – nitong Huwebes (Biyernes sa Manila).

Gaganapin naman sa Biyernes (Sabado sa Manila) ang hiwalay na memorial service na bukas pa rin sa masa at pangungunahan ni dating US President Bill Clinton.

“Ali was the people’s champion and champion he did the cause of his people,” pahayag ni Sherman Jackson, isang Muslim scholar.

“Ali made being a Muslim cool. Ali made being a Muslim dignified,” aniya.

Umabot sa 14,000 katao ang dumalo sa naturang pagdiriwang.

Nagbigay din ng kanilang mga mensahe sina civil rights activist Jesse Jackson, boxing promoter Don King, dating kampeon na si Sugar Ray Leonard, at Louis Farrakhan, pinuno ng Nation of Islam.

Sumapi si Ali sa Nation of Islam, isang samahan ng mga black Muslim noong 1960, bago tuluyang niyakap ang mainstream Islam.

“We welcome the Muslims, we welcome the members of other faith communities, we welcome the law enforcement community,” pahayag ni Imam Zaid Shakir sa pagsisimula ng programa. “We welcome our sisters, our elders, our youngsters. All were beloved to Muhammad Ali.”