Vina

NAHAHARAP ngayon sa isang court battle si Vina Morales laban kay Cedric Lee, ang tatay ng kanyang anak na si Ceana.

Ayon kay Vina, habang siya’y nasa Switzerland kinuha ni Cedric ang bata sa kanyang tahanan na walang permiso mula sa kanya.

Si Cedric ang isa sa mga akusado sa kontrobersiyal na bugbugan issue with It’s Showtime host, Vhong Navarro.

Kahayupan (Pets)

Asong inabandona sa paradahan ng tricycle noon, 'poging-pogi' na ngayon

Pansamantalang nakakalaya si Cedric sa bisa ng kanyang bail petition. Kaya’t naaalarma ang aktres na baka masundan pa ang pangyayari, na kunin na lang basta ni Cedric ang kanilang anak na walang pahintulot niya.

Sabi ni Vina, panahon na para magsalita siya at nang mahinto na ang pambu-bully ni Cedric sa kanyang pamilya.

“I have been quiet about it but since people are asking me now, I have to tell the truth. Ceana was handed to my family (Shaina was there) at the court last May 23. She is only 7 years old and was confused with what happened and a bit traumatized,” salaysay ni Vina.

Dagdag pang palaban niya, “So, kung noon hindi ako lumalaban at tahimik ako ay dahil iniisip ko ang anak ko ngayon handa na akong lumaban para sa anak ko. May hangganan din ang pambu-bully niya sa akin at sa pamilya ko.” 

Sa isang statement na ipinadala ni Atty. Anna Mirabel Santiago, lawyer ni Vina sa PUSH team, na nagsasaad na, “Cedric is cited in contempt of court for violating the court approved visitation agreement.” 

Wala pa umanong sagot si Cedric ukol sa kasong isinampa ng dati niyang kinakasama. (ADOR SALUTA)